Bat ganon? :))
Ang tao, parang ballpen. Nauubusan din ng tinta yan.. Ikaw ba naman ang ballpen, at paulit ulit kang ipangsulat sa araw araw.. Hindi ka ba mauubusan ng tinta? --SHUWAW and MAMA =))
natatawa ko kasi amboring eh. kaya ayun.
Inspiring :))
pero seryoso diba? Kung ikaw ba naman ang ballpen, paulit ulit ka ipangsulat sa buong magdamag, hindi ka kaya maubusan ng tinta?
Parang luha din yan.. Pag umiyak ka ng umiyak, nauubos din kahit papano.. Parang bintilador na 3487095284 years mo na ginagamit, hindi kaya sumabog yun? Parang computer na ipang internet mo ng ipang internet at maglaro ka ng maglaro buong buhay mo? Hindi kaya sumabog yun?
At pag nangyare ang lahat ng yan, ikaw pa ang galit. Hindi ka nasatisfy sa nakukuha mo, hindi mo nakuha ang gusto mo, at naiisip mo lang ang burden mo.. Tama, mali?
Ang tao, hindi yan robot. Hindi laruan, hindi ballpen, computer, bintilador o kung ano pa man. Tao yan na may nararamdaman.. Tao na napapagod at nananawa sa paulit ulit na mga nangyayare sa buhay nya.
Paminsan kasi, ang mga tao, akala nila, sila lang ang tao. Sila lang ang napapagod, sila lang ang nananawa, sila lang. :|
HELLO. MINSAN TAO DIN AKO EH :)) MINSAN lang. Sige. Joke. Pero di nga,
OO. TAO KASI KO. TAO KA, TAO SYA, TAO TAYOOO!!!!Halimbawang may magkaibigan, iniisip ng isa, siya ang tao at ang kaibigan nya ang ballpen. Sa lagay ay sya lang ang pwede mapagod, sya lang ang magaling, sya lang ang everything. Pero hello. Minsan kasi nagiging ballpen din yung kaibigan mo eh. NAUUBUSAN DIN NG TINTA.
Tapos pag wala ng tinta yung ballpen, galit ka na kasi hindi ka na nasasatisfy.. Hindi mo manlang naisip na wala na syang kkaya pang ibigay?
Minsan kasi nakakaloko na eh. :| Napaka galing mo. Magaling ka sa lahat ng tao. Ikaw ay isang perpekto. Wala kang mali sa katawan mo. Ikaw ang api apihan at ikaw ang dehado. Ikaw ang "center of attention" at ikaw lang ang palaging tama. ganyan ang karakter mo. ganyan at ganyan lang. Small mind eh. :|
Minsan napapahanga ako kasi magaling ka naman talaga, pero hindi mo naisip na hindi ballpen ang tao sa paligid mo. Hindi cimputer etc.. TAO din eh.
Pag nakakita ka ng kamalian sa kaibigan mo, hindi mo na naiisip ang mga magagandang ginawa nya para sayo. Ang mga bagay na naibigay nya.. Parang tinta ng ballpen na sinayang mo, at nung maubos, galit ka. At ang masama nito, hindi mo naiintindihan sarili mo. Hindi mo alam isa ka sa mga napaka sama at walang kwentang tao sa mundo. Na pag hindi mo binago yang ugali mo,
HINDI NA KO MAGTATAKA na pag gising mo one day, wala ka ng kaibigan!
Lahat sila wala na sayo. Lahat sila iniwan ka dahil ikaw, hindi mo sila nirerespeto.
IKAW LANG ANG PALAGING TAMA at ikaw lang ang pwede magkamali. Pag nagkamali ang mga tao sa paligid mo, napakababa na ng tingin mo sakanila.
hindi sila deserving sa mga masasamang deeds na ginagawa mo. :)
KPAYN. SARAP MAGBASA NG BOOK MINSAN =))
haha. Joke lang yan lahat. bored ako eh. =)) AHAHAHAHA