LIFE IS A MATTER OF CHOICE. :)
Totoo nga naman. Narinig ko yan sa radyo kagabi. :) Parang kasi hindi ako makatulog. Gusto ko makarinig ng something.. Tas nagke-crave ako sa TV pero sayang kuryente kasi hindi naman din ako manonood. :| At isa pa, liliwanag lang. :| Tin-ry ko mag sounds.. gamit ang aking cellphone. Walang kwenta. Hindi naligayahan ang tenga ko. Paano ba naman kasi eh nagsasawa na yata ako. So napagisip isip kong makinig nalang sa radyo. :)
I was fascinated. :) The ideas came rushing in. :) I had this emotion na parang WOW. ANG GALING. MAHIWAGA ANG RADYO. :) ewan ko ba. Bago ako makatulog.. maraming pumasok sa utak ko. Naaliw ako sa mga taong nagsasalita sa radyo. Magaling nga din. Kasi kung ano yung nararamdaman ko, yun yung kanta na tinugtog.. tapos nga dun sa advice advice portion.. ayun. dun ko narinig ang mga katagang LIFE IS A MATTER OF CHOICE. Hindi ko na inintindi yung storya nung humihingi ng advice. Kasi napaka walang kwenta. Tipong alam mo na yung solusyon sa sarili mong problema, ayaw mo pang solusyonan. Bakit? kasi tayong mga pilipino, gusto natin mas nasasaktan tayo. Diba? Ewan ko ba...
napagisip isip ko din na gusto kong magtrabaho sa isang radio station..
bukod sa naging experience ko sa RX monster radio, natuwa din ako sa mga tao na nakasalamuha ko. :) Hindi kasi gaya ng TV personality.. Na pag nakita mo sa mall, dudumugin na ng tao. Ang isang DJ ay may hidden personality na ewan. Hindi mo kasi alam na sya pala yung naririnig mo sa radyo. Nakakatuwa naman. :)) basta. Natutuwa ako. :D
Marami na din akong narinig sa radyo. Minsan nakakainis.. non sense.. nakaka sabaw ng utak.. nakakatawa.. at minsan nakakalungkot. Isang beses nga, masyado akong na-attach dun sa napakinggan kong storya. Isang araw, sa Batangas.. sa bahay namin dun sa Nasugbu, maagang natutulog ang mga tao.. eh laking maynila ako... hindi uso sakin ang maagang matulog. Night person kasi ako. Kumbaga, babad sa phone, computer, tv, dvd, vcd.. lahat na.. Eh nagkataon naman napaka tamad kong tao.napahiga na rin kasi ako sa kwarto ko.. nasa labas lahat ng electronic devices na kailangan ko. Kung hihiga lang ako, papakinggan ang mga kuliglig, dilat na dilat sa kadiliman ng paligid, eh mamamatay ako!!! Nagdalawang isip ako kung lalabas ako ng kwarto.. tinatamad ako. :) naisip kong magbasa.. ilang minuto lang, tapos na yung nobela na binasa ko ng 3 araw. :)) nainip uliy ako. :| isip isip.. ewan ko ba naman kung bakit nilagyan ng ref at banyo ang kwarto ko dun.. lalo tuloy akong naging tamad. :| Para sa isang kagaya kong tamad na bata, hindi ko na ginawang isaksak pa ang laptop.. dahil ramdam ko na din ang pagka antok ko.. kung sabagay, naisip kong sayang lang din yan sa kuryente.. aba.. nakita ko ang transistor ni Papa! :)) Ayoko man lumapit sa desk eh ginawa ko. Hindi naman siguro masyadong nakakapagod yun. Binuksan ko. At nakinig nalang ako sa radyo. :) Nakakalungkot yung storyang narinig ko. Apektado pa ko eh noh? :)) Ang galing kasi.. hindi ko man kilala yung nagkukwento, eh naramdaman ko din yung nararamdaman nya.. :))
Hindi naman talaga ako masyadong tamad. Kumbaga, PAGOD lang ako lagi. :)) haha!! Naghuhugas din naman ako ng plato, nagsasaing, naglalaba kung minsan, nagtitiklop ng damit at kung anu anu pa. Girl scout din ako. Patrol leader pa. at BEST patrol leader.. kung iisipin, masipag ang itsura ko. Mukang masipag kasi akong kumilos.. Mukang maraming ginagawa lagi. Totoo din naman na marami akong ginagawa.. pero... minsan, tinatamad lang talaga ko. Ewan ko ba. Lahat kasi ng kailangan ko nandyan na. Halimbawa, kailangan ko ng unan, may unan na sa tabi.. tubig, may ref sa tabi ng kama.. mga ganon. Siguro, isisi na rin sa istruktura ng kabahayan, mga kagamitan at kung anu anu pa ang katamaran ko. BASTA. :))
mahaba na toh. :D